Ang kumpleto at komprehensibong guide sa paggawa ng website ay matatagpuan dito:
=====================================================
Paano makagawa ng website na walang binabayaran
Maraming paraan upang gumawa ng website, ngunit ang pinakahinahanap ng lahat ay ang paggawa ng website ng libre! Layunin ng gabay na ito na makapagturo kung paano makagawa ng website na walang ginagastos ni-singkong duling! Magiging mahaba ang gabay na ito, ngunit siguradong hindi ka tatamarin dahil may mga imahe upang mas madaling makatulong sa iyo. Hindi rin ito singbilis ng inaasahan, may dalawang bagay kang hihintayin, una, ay ang aprubahan ng webhost ang iyong pagho-host at pangalawa ay ang pag-set-up ng domain mo. Matagal man, sulit naman ang paghihintay mo dahil siguradong matutuwa ka sa pagkakaroon ng sariling pahina.
May tatlong bahagi ang gabay na ito:
- Una, ay ang pagkuha ng sariling domain ng libre, ito ay ang magsisilbing sarili mong URL halimbawa ay: "juandelacruz.ph"
- Pangalawa, ay ang pagkuha ng webhoster, sila ang daan upang magkaroon ng laman ang iyong domain.
- Ang huli, ay ang paglalagay ng laman ng iyong website.
Simulan na natin.
I. Pagkuha ng sariling domain ng libre.
Maraming paraan at lugar kung saan makakakuha ng sariling domain, ngunit halos lahat sa kanila ay hihingi sa iyo ng pera, kaya naman pumili ako ng pinakakilalang programang nagbibigay ng domain ng libre. Ngunit kung mayroon ka nang sariling domain, magpatuloy na lang sa "II. Pagho-host ng website ng libre.
1. Pumunta sa website na ito: Co.Cc Libreng Domain.Mapupunta ka sa website ng Co.Cc.
2. Pagdating sa pahina ng Co.Cc, tumingin sa gawing kanan, makikita ang "Create an account now".
3. Mapupunta ka sa isang pahinang naglalaman ng form, fill-upan ito.
4. Pagkatapos gumawa ng account ay mag log-in lamang gamit ang impormasyong ibinigay.
5. Pagkatapos makapaglog-in ay tumingin sa kaliwa ng pahina ang i-click ang "Manage Domain"
6. Mapupunta ka sa listahan ng mga domain na mayroon ang account mo, sa pagkakataong ito, wala pa itong laman, I-click lamang ang "Getting a new domain". At pumili ng domain na nais mo, Halimbawa: juandelacruz.co.cc
Paalala: Ito na ang magsisilbing website mo kaya naman pag-isipan ng maigi.
Matapos, palakpakan ang sarili dahil mayroon ka nang sariling domain, ang susunod nating gagawin ay palitan ang DNS nito ng DNS ng webhost natin upang umandar na ito ayon sa gusto mo. Maaari mo ring subukang buksan ang nagawa mong domain sa pamamagitan ng pag-ta-type nito sa browser mo.
Pagkakabit ng Webhost
7. Pagkatapos makagawa ng sariling domain, bumalik sa "Manage Domain", at i-click ang bagong sariling domain.
8. I-click and "Set Up"
9. Mapupunta ka sa pahinang ito, ngunit sa ngayon wala pa tayong mailalagay, kaya naman mas mainam kung i-"Minimize" mo muna ang browser mo o magbukas ng bagong tab.
II. Pagkuha ng Libreng Webhost
Maraming webhosting companies ang maaaring pagpilian, ngunit ilan lang talaga ang kayang mag-alok nito ng libre. Mayroon pa ngang isang napakagandang webhosting company na nag-aalok ng webhosting sa halagang $0.01 sa unang buwan o 1 sentimong dolyar sa unang buwan (upang matutunan kung paano makapag host sa halagang $0.01, ngunit kung gusto pa ring matuto ng libre ituloy ang pagbabasa). Sa puntong ito, ituturo ko naman kung paano makakakuha ng libreng webhost na gagamitin natin sa domain mo.
1. Pumunta sa website ng Free Web Hosting Area.
2. Mula mismo sa kanilang pahina, ilagay sa text box sa ilalim ng "Free domain hosting" ang iyong domain na nakuha mula sa Co.Cc.
3. Mula rin sa pahinang iyon, pumili ng serber ayon sa mas malapit sa bansang gusto mong makakita ng pahina mo, kaya pinili ko ang USA.
4. Mapupunta ka sa isang form page, kumpletuhin lamang ang form at isumite.
5. Matapos ay bibigyan ka ng impormasyon ukol sa iyong libreng webhosting, kopyahin ang buong impormasyon at i-save sa kahit ano mang lugar sa iyong computer o e-mail.
6. Sa parteng ito, kailangan mong mas magpokus. Kukuhanin natin ang nameserver na ibinigay sa iyo, hanapin lamang ang "Primary Nameserver" at "Secondary Nameserver" sa ibaba ng "DNS information":
7. Bumalik sa Co.Cc account(yung pina-minimize ko kanina), ilagay lamang ang nameserver na ibinigay sa iyo:
8. I-click ang set up.
9. Congratulations, mayroon ka nang sariling website! Aabutin ng 3-12 oras bago makontrol ng webhost mo ang co.cc domain mo, pero kadalasan 5 oras lang.
III. Pag-lalagay ng files sa iyong website.
Ang iyong website(matapos makonek sa iyong webhost), bilang hindi pa nagagalaw, ay may laman na, kapag binisita mo ito, makikita mo ang mga laman na inilagay ng free webhosting mo, mayroong dalawang mahalagang bagay sa paglalagay ng laman sa iyong website:
Una, ay ang paggawa ng laman.
Ang una, ang paggawa ng laman, ay labas na sa gabay na ito, dahil ang lahat ay nakadepende na kung ano ang gusto mong ilagay sa website mo. Pinakabeysik na dapat mong matutunan dito ay ang paggamit ng HTML(maaari mo itong i-Google o sundan ang mga ito: 1 2). Ngunit kadalasan dina-download na lang ang mga scripts na maaaring mong gamitin tulad ng mga pang-blog at pang-forum.
Pangalawa, ay ang FTP.
Ang pangalawa, ang paglalagay ng laman na ito ay ginagamitan ng FTP para mailagay sa website mo. Mula sa impormasyon na pina-save ko sa iyo kanina, yung ibinigay ng free webhosting, makikita mo dun kung paano mo ma-i-a-access ang iyong FTP, mayroon din silang pag-a-upload mismo gamit ang browser, kaya para ka lang nag-a-upload ng picture sa internet.
Maraming salamat sa pag-babasa ng gabay na ito, marami ka pa sanang matutunan sa mga ilang bagay mayroon ang teknolohiya ng internet.
Note:
May mas bagong guide dito: PAANO GUMAWA NG WEBSITE NG LIBRE [ HOST1FREE EDITION ]
Kung hindi man naging mapalad ang guide na ito, na igawa ka ng website. Maaaring subukan mo ang mas madaling paraan: ang paggawa ng blog! Subukan mo ang mga guide kong ginawa tungkol sa paggawa ng blog:
* PAANO GUMAWA NG BLOG












25 (mga) komento:
bakit po ganon kapag nakagawa ng ako ng account sinasabi verification did not match no po ba dapat gawin?
thank you sa sinulat nyong ito...
"bakit po ganon kapag nakagawa ng ako ng account sinasabi verification did not match no po ba dapat gawin?"
saang account lumalabas yan?
kung sa captcha yan baka mali ka lang ng basa.
bkit ganun hindi aquh makapag log in username at password did not much daw
saan ka hindi makapag log in?
di ko sya ma gets huhuhu
gaggag
saan yun makikitang form page?
ang hirap naman sundan ung ibang sinasabi....?
Kung medyo nahihirapan kayo, subukan nyo naman yung paggawa ng blog. mas madali: http://kasagutan.blogspot.com/2011/04/paano-gumawa-ng-blog.html
bkit ganon pag na fill upan mo na ung form walang lumalabas na word verification ?
ask lang po bakit pag punta ko sa Free web hosting are ito po ang lumalabas : Automatic registration is temporary disabled.
To create a new account, please send an email to register@freewha.com
ano pa next step ?
tnx..
etong bagong guide ang subukan mo:
http://kasagutan.blogspot.com/2011/04/paano-gumawa-ng-website-ng-libre.html
ang hirap sundan.., kakabobo..!
but thx n rin..,
yes mayroon na akong account!!!!xalamat......
woooohhhhh...........yes.........thanks
bkit po kaya wla naman nung naka gawa ako web site? pano malalamnnan po un
paano po malalamnan yun site wala laman po eh error pero meron na siya
bakit temporary not available ang free web hosting area kakainis naman
madali lang sundan ang bawat sinasabi... kung hindi man tugma yong iba eh bakit di mo hanapin ang kasagutan.... SALUDO AKO SAYO MARAMING SALAMAT...
salamat dude..nagawa ko
bakit po ganon nung gumawa po ako ng free webhost ang binigay po nilang IP Adress sa aking secondary name server ay nakalist daw po sa spamhaus block list bakit po ganon?..
sa bago ko naman pong ginawan ng webhost ganon po ba talaga yun matagal po ba talaga sya bago ka po sendan ng DNS mo po?..simula po kaninang umaga po hanggang ngayon po ay nagloloading pa din po sya..
nakagawa me ng sarili kung domain thanks bro sa tutorial nice ^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Mag-post ng isang Komento